ni Thea Janica Teh | November 23, 2020
Sugatan ang tatlong fire volunteers matapos rumesponde sa sunog sa Pasay City ngayong Lunes nang umaga. Nagsimula umano ang sunog kaninang alas-5 ng umaga sa ikalawang palapag ng isang bahay sa Tramo St. sa Barangay 43.
Nahirapan na umanong makapasok ang mga bumbero dahil masikip ang daan papunta sa mismong sunog na umabot sa ikalawang alarma.
Ayon kay Fire Superintendent Jay Bernard Peñas, nakontrol na ang apoy at napatay bandang alas-7 ng umaga.
Agad na binigyang-lunas ang mga bumberong nasugatan at ngayon ay inaalam pa ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsala nito.
Comments