top of page
Search

3 beses na raw kumalat… KARYLLE, KUMONSULTA NA NG LAWYER MATIGIL LANG ANG FAKE NEWS NA BUNTIS SIYA

BULGAR

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Feb. 10, 2025



Photo: Karylle - Instagram


Nilinaw ni Karylle na fake news ang kumakalat na tsikang buntis siya.

Sa kanyang podcast na K’s Drama, ikinuwento ng singer/TV host ang kanyang karanasan kamakailan.


“I have been stopped on the street and congratulated for being pregnant and I have to explain of course that I’m not pregnant,” kuwento ni Karylle.


Aniya ay hindi ito ang unang pagkakataon na nabalita siyang buntis.


“This is the 3rd time this news has circulated, so I knew a categorical denial would be useless because you want to believe what you want to believe, and maybe you have a good feeling about congratulating me,” aniya pa.


“And I think it’s not about education level. A lot of people have been fooled by this news. So. I’m here to tell you once again that the news is fake,” dagdag niya.


Hindi na rin daw niya alam kung paano matitigil ang mga ganitong maling balita na paulit-ulit na lang.


“Especially because it doesn’t seem like bad news. It’s not something that destroys my character. You don’t feel like a chismosa or chismoso person by clicking or congratulating me in the comments section,” aniya.


Kaugnay nga ng problemang ito ay nag-invite pa si Karylle ng lawyer para itanong kung paano niya mapapatigil ang ganitong fake news.


Ayon naman kay Atty. Kim Henares, kung wala namang damage sa kanya ang fake news, legally, wala naman daw ibang magagawa kundi i-refute na lang niya ang balita.


Sinabi rin ni Karylle na hindi rin daw proper na laging tinatanong ang isang babae kung pregnant ito.


“Because it is a bit of a touchy subject, so my thing also was when I was asked to deny it for a news segment, I said, ‘But I don’t want to normalize people asking women if they are in fact, pregnant because that is your own news to break,’” sey ni Karylle.


 

ISANG nationwide bloodletting activity ang inilunsad ng GMA Regional TV nitong Pebrero 7. Ginanap ang Bloodletting Day sa 7 areas sa Pilipinas - Dagupan City, Pangasinan, Cebu City, Iloilo City, Bacolod, Davao City, General Santos City, at Cagayan de Oro.


Sa pamamagitan ng bloodletting program, nakakatulong itong mapanatili ang isang matatag na suplay ng dugo na marami ang nangangailangan, kabilang na ang mga survivor ng mga aksidente, mga biktima ng pamamaril, mga pasyente ng dialysis, at mga babaeng nanganganak.


Nagsimula noong 2008 ang bloodletting ng GMA Regional TV and Synergy at libu-libong mga Kapuso ang nakikilahok dito.


 

SA gitna ng problemang namamagitan ngayon sa relasyon nina Andi Eigenmann and Philmar Alipayo, pinagpiyestahan din ng mga netizens ang cryptic post ni Jake Ejercito.

Si Jake ang ex-boyfriend ni Andi at tatay ng panganay na anak ng aktres na si Ellie.


Sa Facebook (FB) account ni Jake ay nag-post siya ng isang maikling statement.

“Wala akong feelings about it,” aniya.


Wala nang paliwanag pa or elaboration kung para saan ang post na ito kaya in-assume ng mga netizens na may kinalaman ito sa issue nina Andi and Philmar.


“Uy, sabi na, para talaga kayo sa isa’t isa,” sey ng isang netizen at marami naman ang um-agree.


Dito na nagpaliwanag ang aktor at ipinost sa comment section ang link ng isang news item kay Vice-President Sara Duterte kung saan ay sinasabi nitong, “If I feel betrayed? Actually, wala akong feelings.”


Ayon kay Jake ay doon lang daw nanggaling ang kanyang post kaya tigilan na ang paglalagay ng sariling interpretasyon.


“Stop putting a spin into the post. Dahil dito lang ‘yan,” ani Jake.


Dagdag pa ng aktor, “God save the tsismosas.”


Natawa naman ang mga netizens sa paliwanag ni Jake but just the same, isini-ship pa rin siya ng mga ito kay Andi at sana raw ay bigyan daw ulit ng second chance ang kanilang dating relasyon.


“Alam mo ba na hinintay ko talaga itong mangyari? Kasi alam ko na kayo talaga,” sey pa ng isang netizen.


“Take her back!” sabi naman ng isa pa.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page