ni Lolet Abania | November 23, 2022
Kinilala ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ang 3-taon-gulang na si Ezra Rosario bilang pinakabatang organ donor, at kauna-unahang pedia donor ng St. Luke’s Medical Center.
Nakabase sa Washington, USA ang Rosario family, ang mga magulang na sina Jennae at Julius, Ezra, at kanyang twin brother, na bumisita kamakailan sa Pilipinas para sa isang bakasyon. Noong Nobyembre 6, nagdiwang ng kaarawan ang kambal.
Gayunman, sa kasamaang palad si Baby Ezra ay nalunod sa isang swimming pool sa Paoay, Illocos Norte. Ayon kay Jennae, tumalon si Ezra sa five-foot end na swimming pool sa halip na sa pambatang pool.
Wala namang sapat na equipment ang ospital sa lugar, kaya kinailangan pa ni Ezra na ilipad at dalhin sa Maynila.
Matapos ang apat na araw na pakikipaglaban, ang 3-anyos na si Ezra ay idineklarang brain dead.
“Automatic na ata siguro sa parents na alam na namin na tama na rin. ‘Mag-rest ka na lang anak ko,’ parang ganu’n,” pahayag ni Jennae sa isang interview ng GMA News.
Nagdesisyon naman sina Jennae at Julius na si Ezra ay maging isang organ donor.
Ayon sa report, isang 24-anyos ang magiging recipient ng kidney ni Ezra, at pitong katao pa ay makikinabang mula sa kanyang corneas.
Sa kabila ng napaigsing buhay ni Ezra, siya naman ang naging dahilan para makatulong sa iba na magkaroon ng mahabang buhay.
تعليقات