top of page
Search
BULGAR

3-anyos, 3 araw nakulong dahil sa lindol, nailigtas

ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 4, 2020



Nasagip ang 3-anyos na batang babae sa gumuhong gusali noong Martes matapos ang 91-oras nang tumama ang magnitude 7.0 na lindol sa Aegean Sea na yumanig sa Turkey na ikinasawi ng 116 katao.


Sugatan ang 1,035 katao sa Izmir sa insidente at 137 sa mga ito ang ginagamot pa rin, ayon sa Turkey's Disaster and Emergency Management Authority (AFAD).


Tinaguriang “Miracle girl” si Ayda Gezgin dahil sa milagrosong pagkakaligtas nito ngunit isang oras matapos nito ay narekober ang katawan ng ina ng bata na si Fidan, 38-anyos.


Bukod sa Bayrakli kung saan nasagip ang bata, wala nang iba pang lugar sa Turkey na nagtamo ng malubhang kalagayan dahil sa naturang lindol.


Pahayag ni Izmir Mayor Tunc Soyer, "We have witnessed a miracle in the 91st hour.”


Saad naman ni President Recep Tayyip Erdogan, "The miracle's name is Ayda.


"With your smiling eyes, you have inspired new hope for us. Thank God. Get well soon, my lovely little one."


Ayon sa Rescue worker na si Ibrahim Topal, natagpuan nila ang bata sa kusina kasama ng oven at iba pang appliances.


Aniya, "From the moment we heard her sound, it didn't matter how tired we were. It gave us energy again. We were so happy."

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page