ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 1, 2021
Bumaba ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho ngayong Mayo, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa isinagawang Labor Force Survey (LFS).
Ayon kay National Statistician and PSA Chief Claire Dennis Mapa, naitala ang 7.7% unemployment rate ngayong Mayo na mas mababa kumpara sa 8.7% noong Abril.
Samantala, katumbas ng 7.7% unemployment rate ang 3.73 million adult Filipinos (15 anyos pataas) na walang hanapbuhay.
Noong Abril, pumalo sa 4.14 million ang bilang ng mga walang trabaho.
Comentarios