ni Lolet Abania | January 18, 2022
Target ng administrasyong Duterte na makapag-administer ng 3,500 shots sa pilot run ng COVID-19 booster vaccinations sa pitong pharmacies sa National Capital Region (NCR), ayon sa Malacañang ngayong Martes.
Tinukoy ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles na ang pilot run ng booster vaccinations ay gagawin sa Mercury Drug, Watsons, Rose Pharmacy, Southstar Drug, at The Generics Pharmacy, gayundin sa mga clinic na Healthway at QualiMed, sa tulong ito ng mga personnel ng naturang private entities na nakatakda sa Enero 20 hanggang 21.
“This is only for booster shots, and people need to pre-register so we can manage the flow [of foot traffic],” sabi ni Nograles sa isang Palace briefing.
“The allocation is 500 per week per botika or clinic, so times seven, 3,500 is the initial [target]. [Gagawin natin ito] para makita natin ng flow ng demand,” paliwanag pa ni Nograles.
Sinabi ni Nograles na ang implementasyon ng naturang programa ay nabuo sa magkatuwang na responsibilidad ng mga pribadong sektor gaya ng pharmacies at clinics, at ng local government units (LGUs) na siyang magpo-provide ng suplay ng mga COVID-19 vaccines.
“Ultimately, we want to expand this nationwide,” sabi ni Nograles.
Ayon pa kay Nograles, mayroong tinatayang 54 milyong Pilipino na ang fully vaccinated kontra-COVID-19 hanggang ngayong Martes, Enero 18.
תגובות