top of page
Search
BULGAR

3,447 traffic violators, nahuli ng LTO-NCR

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 10, 2024




Inihayag ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) ngayong Linggo na nahuli nito ang halos 3,500 na traffic violators sa buwan ng Pebrero.


Ibinunyag ni LTO-NCR Regional Director Roque Verzosa III na ayon sa pinakabagong datos mula sa LTO-NCR Traffic Safety Unit (TSU), nahuli ng Law Enforcement Unit at Law Enforcement Team ng ahensiya ang 3,447 mga motorista noong Pebrero 2024 dahil sa iba't ibang paglabag sa batas-trapiko.


Isa sa mga batas na nilabag ang Republic Act (RA) 4136, o ang Land Transportation and Traffic Code. Kasama rito ang kaso na may kinalaman sa mga hindi rehistradong sasakyan, na tumutugma sa 'No Registration, No Travel' policy.


Isinalaysay ni Verzosa na nahuli rin ang ilang mga motorista na nagmamaneho ng mga sasakyang may mga defective accessories, devices, o equipments.


Sa parehong panahon, nahuli ang ilang motorista dahil sa hindi paggamit ng seatbelt. Bukod dito, may mga pinatawan ng parusa dahil sa hindi pagsusuot ng tamang helmet.


Binigyang-diin naman ni Verzosa na magpapatuloy ang pinaigting na kampanya sa trapiko sa buong taon.

0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page