nina Mabel Vieron at Jenny Rose Albason @World News | July 17, 2023
Nabawi ng Australian fitness fanatic na si Daniel Scali, 30, ang record para sa pinakamaraming push up sa loob ng isang oras.
Nakagawa si Daniel ng 3,249 push up, na na-break ang record na 3,206 na nakamit ng kapwa Aussie, si Lucas Helmke, noong Nobyembre 2022.
Dati nang naitakda ni Daniel ang record noong Abril 2022 na may 3,182 na push up.
Alinsunod sa Guinness World Records guidelines, ang isang kumpletong push up ay binubuo ng pagbaba ng katawan hanggang sa maabot ang at least 90-degree na anggulo sa siko, pagkatapos ay itaas hanggang ang mga braso ay matuwid. Taliwas sa popular na paniniwala, ang dibdib ay hindi kinakailangang dumikit sa sahig.
Ang higit na kahanga-hanga kay Daniel ay ang katotohanang dumaranas siya ng complex regional syndrome (CRPS), ibig sabihin, ang kanyang kaliwang braso ay halos laging sumasakit.
Sinisikap ni Daniel na ma-break pa ang ibang fitness records sa taong ito, at target niya ring bawiin ang isa pang record na dati na niyang hawak, ang ‘longest time in an abdominal plank position’.
Comments