top of page
Search
BULGAR

3.2 M doses ng J&J COVID-19 vaccines, pang-senior citizens at maysakit lang


ni Lolet Abania | July 12, 2021


Nasa 3.2 milyong doses ng Johnson and Johnson (J&J) COVID-19 vaccines ang nakatakdang ideliber sa bansa sa July 19, 2021.


Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje, ang 3.2 milyong J&J vaccine doses ay donasyon mula sa gobyerno ng United States sa pamamagitan ng global aid COVAX Facility na gagamitin para sa mga senior citizens at persons with comorbidities.


“The directive from [vaccine czar] Secretary [Carlito] Galvez is to use the J&J largely on senior citizens since that will be very convenient for senior citizens and those residing in far flung areas,” ani Cabotaje sa Laging Handa forum ngayong Lunes.


Hindi tulad ng ibang brands, ang J&J vaccine ay isang single-dose vaccine lamang. Aniya pa, sakaling mai-deliver, ito ang kauna-unahang J&J shipment na darating sa Pilipinas.


Samantala, sinabi ni Cabotaje na ang mahigit sa 3 milyon ng two-dose AstraZeneca COVID-19 vaccine na dumating sa bansa noong nakaraang linggo, kung saan ang 1 milyong doses ay donasyon ng Japan, ay nakalaan sa NCR Plus 8, 1.5 milyong doses naman para sa second dose ng mga indibidwal at ang natitirang 500,000 doses ay ibibigay sa iba pang lugar sa buong bansa.


Gayundin, ayon sa kalihim, nagbigay ng direktiba si Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na ang COVID-19 vaccines ay dapat nang ipamahagi sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi provinces, na may malalayong borders at sa gitna ng pagtaas ng bilang ng kaso ng transmissible na Delta variant sa kalapit na bansang Malaysia at Indonesia.


Ipinahayag din ni Cabotaje na umabot na sa 13 milyong indibidwal ang nabakunahan, habang 3.52 milyon naman ang mga fully vaccinated.


Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page