ni Eli San Miguel @K-Buzz | June 25, 2024

Magkakaroon ng meeting sina Sandara Park, CL, Park Bom, at Minzy, na dating mga miyembro ng 2NE1, kasama si Yang Hyun-suk ng YG Entertainment sa mga susunod na araw.
Naglabas ng eksklusibong ulat nitong Martes ang Korean media outlet na Osen, na nagsasabing ang meeting ay naglalayong mapag-usapan ang reunion at comeback project ng dating K-Pop group.
Nag-debut ang 2NE1 noong 2009 at nag-disband noong Nobyembre 2016. Ang apat na miyembro ay kasalukuyang naka-focus sa mga solo activities. Matatandaang nagsama-sama sila noong nakaraang buwan upang ipagdiwang ang ika-15 anibersaryo ng 2NE1.
Comentarios