ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | July 1, 2024
Rainy season na sa ating bansa, at bukod sa ulan at baha ay may dala din itong dagdag na panganib sa anyo ng dengue.
Libu-libo pa rin sa ating mga kababayan, lalo na ang mga bata, ang tinatamaan ng dengue fever.
Ayon sa Department of Health, mula January hanggang June 1 ngayong taon ay 70,498 kaso ng dengue ang naitala. Nasa 197 na ang namatay dahil sa sakit na ito.
☻☻☻
Pareho pa rin ang istratehiya sa pag-iwas sa dengue, pangunahin na ang paglilinis ng kapaligiran upang masigurong walang pamumugaran ng lamok na may dengue virus; paggamit ng mga insect repellent at mosquito nets; at paghimok na gumamit ang mga bata ng damit na babalot sa mga braso at paa.
Kailangang maging consistent ang mga local government units natin sa pag-implementa ng mga istratehiyang ito sa ating mga pamayanan.
☻☻☻
Kamakailan ay hinimok din ng mga medical expert ang pamahalaan na aprubahan ang 2nd generation dengue vaccine upang mabigyan ng karampatang proteksyon ang mga kababayan natin kontra sa sakit.
Ayon sa kanila, naiiwan ang Pilipinas sa pagbakuna laban sa dengue. “Japanese drugs manufacturer Takeda Pharmaceuticals applied last year for the FDA registration of its dengue vaccine named QDENGA. Its approval is still pending,” ayon kay Philippine Foundation for Vaccination Executive Director Dr. Lulu Bravo.
Nabigyan na kasi ng lisensya ang QDENGA dengue vaccine ng Takeda Pharmaceuticals sa Indonesia noong August 2023, Thailand sa parehong taon, Malaysia nitong February 2024, and Vietnam naman nitong nakaraang buwan.
Tiniyak ng mga medical expert na ligtas ang vaccine na ito at makakatulong upang mapababa ang kaso ng mga nagkakasakit at maiwasan ang pagkamatay mula sa dengue.
☻☻☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!
FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Коментари