ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 20, 2021
Idineklara ng World Health Organization (WHO) ngayong Sabado na natapos na ang second Ebola outbreak sa Guinea. Noong Pebrero tumama sa Guinea ang second Ebola outbreak kung saan naitala ang 16 kumpirmadong kaso at 7 “probable” infections at ayon sa WHO, 12 sa mga ito ang pumanaw.
Saad ng opisyal ng WHO na si Alfred Ki-Zerbo, "I have the honor of declaring the end of Ebola (in Guinea)."
Saad naman ni Health Minister Remy Lamah, "In the name of the head of state (President Alpha Conde) I wish to declare the end of resurgence of Ebola in Guinea."
Noong 2013 hanggang 2016, tumama sa West Africa ang Ebola epidemic kung saan tinatayang aabot sa 11,300 ang namatay sa Guinea, Liberia at Sierra Leone.
Samantala, ilan sa mga sintomas ng Ebola ay mataas na lagnat at labis na pagdurugo. Nakakahawa rin ito sa pamamagitan ng close contact sa bodily fluids.
Comments