top of page
Search
BULGAR

2nd dose ng AstraZeneca, ‘di na ituturok sa Australia

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 12, 2021




Nilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) na wala pang naiulat na nakaranas ng blood clot sa bansa matapos mabakunahan ng AstraZeneca kontra COVID-19, ayon sa panayam kay FDA Director General Eric Domingo ngayong Lunes nang umaga, Abril 12.


Aniya, "So far po, ang ating National Adverse Events Following Immunization Committee, sumulat kahapon na wala naman daw na any cases reported ng blood clotting na connected sa bakuna dito sa atin."


Samantala, inianunsiyo naman ng Prime Minister ng Australia na si Scott Morrison sa kanyang Facebook post na hindi na nila ituturok ang second dose ng AstraZeneca sa mga una nitong nabakunahan dahil sa banta ng blood clot, bagkus ay inirerekomendang gamitin na lamang ang gawa ng Pfizer.


Ayon kay PM Morrison, “The Government has also not set, nor has any plans to set any new targets for completing first doses. While we would like to see these doses completed before the end of the year, it is not possible to set such targets given the many uncertainties involved.”


Batay din sa orihinal na plano ng Australia, tinatarget nilang mabakunahan ang buong populasyon ng bansa sa katapusan ng Oktubre, kaya dinoble nila ang pag-order sa bakunang Pfizer.


“At the end of this past week, it’s also important to note that more than 142,000 doses have been administered to our aged care residents, in more than 1,000 facilities, with over 46,000 of these now being second dose in over 500 facilities,” sabi pa ni PM Morrison.


Sa ngayon ay wala pa ring suplay ng AstraZeneca na dumarating sa ‘Pinas, gayunman patuloy pa ring binabakunahan ang mga senior citizens gamit ang Sinovac kontra COVID-19.


Paliwanag pa ni FDA Director Domingo, "Hindi naman natin itinigil sa senior citizen. Sabi lang natin, 'yung 59 and below, tingnan muna natin ang datos para lang may complete information ang magbabakuna at babakunahan."

Recent Posts

See All

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page