ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | April 28, 2022
Hinihikayat natin ang mga immunocompromised nating mga kababayan na muling magpabakuna upang magkaroon ng dagdag na proteksyon kontra COVID-19.
Nagsimula nitong Lunes, April 25, ang rollout ng pangalawang COVID-19 booster shot para sa mga health worker, senior citizen at immunocompromised individuals.
Ayon sa National Vaccination Operations Center, tina-target nilang mabigyan ng pangalawang booster ang nasa 690,000 immunocompromised na Pilipino.
☻☻☻
Ginawa ang rollout pagkatapos payagan ng Food and Drug Administration ang pagbigay ng 2nd booster shot. Para sa immunocompromised sector, ibibigay ang 2nd booster tatlong buwan matapos ang unang booster dose.
Samantala, pagkatapos ng 4 na buwan naman ang para sa health workers at senior citizens.
Nasa 66 million Pilipino na ang fully-vaccinated, subalit 12 million pa lamang ang may booster shot.
☻☻☻
Sa harap ng banta ng World Health Organization ng panibagong surge dahil sa halalan at “waning immunity,” mahalagang mabigyan ng karampatang proteksyon ang mga vulnerable sector.
Umaasa tayong tututukan ng pamahalaan na mapadami ang bilang ng mabibigyan ng booster shot. Kasama na rin sa panawagan natin na siguruhing hindi maaaksaya ang nasa 27 million vaccine doses na nakaambang mag-expire sa Hulyo.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Comments