top of page
Search
BULGAR

2nd batch ng Astrazeneca COVID-19 vaccine, kasado na!

ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | December 17, 2020




Hello, Bulgarians! Matapos ang successful ceremonial signing ng 2.6M doses ng COVID-19 vaccine para sa pribado at pampublikong sektor o “A Dose of Hope” na pinangunahan nina Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion, National Task Force at Philippine Vaccine Czar Charlie Galvez, AstraZeneca Philippines Country President Lotis Ramin at halos 30 comapnies na lumahok sa Zoom, inanunsiyo ni Concepcion na aprubado na ang 2nd part nito.


Ayon kay Concepcion, mahigit sa 2.6M ang napagkasunduang vaccine, ngunit sinakto ito sa 2.6M alinsunod sa supply timeline ng ibang bansa at institusyon.


Aniya, “The donations from private sector had potential to go over 3 million. This development is really fantastic. I thank the Astra group for their efforts for really helping the Philippines.”


Dahil sa patuloy na pagsuporta ng mga pribado at pampublikong sektor, magsasagawa na muli ito ng 2nd part sa pagbili ng vaccine. Nagbigay na ng request sa AstraZeneca upang makapaglaan muli sa atin ng supply.


Kaya naman, sa pakikipagtulungan ni Concepcion sa pribadong sektor at pamahalaan, sigurado nang may darating sa ating vaccine. Ito rin umano ang bunga ng walang sawang pakikipagtulungan ng mga pribadong sektor sa pamahalaan.


“So far this private-public partnership is working so well and has become a template for the private sector in this war against COVID-19,” dagdag ni Concepcion.


Matatandaang pinangunahan din ni Concepcion ang COVID-19 testing noong nagsisimula pa lamang itong kumalat at ngayon, nangunguna muli ito sa pagbibigay naman ng vaccine laban sa COVID-19.


“With all these announcements, our Filipino people can be assured that we will not be left behind…We will soon see this pandemic disappear.”


Bahagi pa ni Concepcion, darating ang panahon, hindi na umano tayo mamimili kung mabubuhay o pangkabuhayan dahil posible lahat sa pakikipagtulungan ng pribado at pampublikong sektor.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page