top of page
Search
BULGAR

2nd arrest warrant ng Taguig court… Kasong rape, isinampa kay Vhong Navarro

ni Lolet Abania | September 19, 2022



Nag-isyu ang Taguig court ng isa pang arrest warrant laban kay Vhong Navarro hinggil sa isang non-bailable na kasong rape na inihain ng dating model na si Deniece Cornejo, ang ikalawang warrant na kinaharap ng actor-host ngayong Lunes.


Ang warrant of arrest para sa rape complaint ay inisyu ni Taguig Regional Trial Court Branch 69 Presiding Judge Loralie Cruz Datahan.


Nakasaad sa 1-pahinang kautusan, “the bail for the release of the accused is ‘NOT BAILABLE for RAPE under Article 266-A of the RPC (Revised Penal Code) as amended by RA 8353’.”


Una nang sumurender ngayong Lunes si Navarro sa National Bureau of Investigation (NBI) matapos ang issuance ng isang arrest warrant para sa hiwalay na kasong acts of lasciviousness na inihain din ni Cornejo.


Sa naturang reklamo o complaint, sa Branch 116 ng Taguig Metropolitan Trial Court, may inirekomendang piyansa o bail na P36,000 para kay Navarro.


Una nang ipinahayag ni Cornejo na ni-raped siya ni Navarro sa kanyang condominium unit noong Enero 22, 2014, subalit kalaunan ay sinabi rin niyang ni-raped siya nito noong Enero 17 ng parehong taon.


Ang pag-file ng parehong rape at acts of lasciviousness charges laban kay Navarro ay lumabas matapos ang isang Court of Appeals ruling na pabor kay Cornejo, kung saan taliwas ito sa pagbasura ng Department of Justice (DOJ) sa lahat ng mga complaints na inihain niya laban kay Navarro dahil sa tinatawag na inconsistent statements.


Sa panayam ng ABS-CBN News nang sumuko si Navarro sa NBI ngayong Lunes, naipahayag ng aktor ang kanyang pagkadismaya kaugnay sa pagbuhay uli ng mga kaso laban sa kanya na na-dismiss na.


“Iyon ang nakakalungkot, kasi for how many years, akala namin, tapos na, patapos na. Kaya nagulat kami, na after ilang years, ito ulit, nabuhay, at parang ako pa ang nababaliktad. Ako ang biktima. Ang hirap paniwalaan,” saad ni Navarro.


“Ako, mula noong 2014, inilahad ko ‘yung lahat ng nangyari. Wala akong tinago, sinabi ko lahat. Alam ng Panginoon ‘yun, na nagsasabi ako ng totoo. Kaya, ngayon, ang bigat ng loob ko. Bakit ganito?” dagdag pa ni Navarro.


0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page