top of page
Search

2M estudyante nag-register… Online app para sa educational aid, isinara – DSWD

BULGAR

ni Lolet Abania | September 10, 2022



Dahil sa mataas na volume ng mga aplikasyon habang limitado naman ang available na pondo, isinara ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang online application ng kanilang educational assistance program para sa mahihirap na estudyante.


“Closed na itong [application ng] educational assistance,” pahayag ni DSWD Secretary Erwin Tulfo sa isang interview ngayong Sabado.


Ayon kay Tulfo, mahigit sa dalawang milyon na ang nag-register online para sa educational assistance program.


“Kaya ‘di na namin makakaya o kakayanin pa dagdagan ‘yung two million,” saad ni Tulfo.

“Ang tinitingnan natin ay ‘yung pondo natin P1.5 billion,” dagdag niya.


Sinabi ni Tulfo na sa ngayon, ang DSWD ay nakapag-distribute na ng tinatayang P600 milyon hanggang P800 milyong halaga ng educational assistance.


Binanggit naman ng DSWD chief na, “[two] Saturdays from now,” ang huling payout ng educational assistance, kung saan covered dito ang mahigit na dalawang milyon na mga estudyante na nakapag-register online.


“Hanggang September 24, 2022 na lang ang pamamahagi namin ng educational assistance,” sabi ni Tulfo.


Sa ilalim ng programa, hanggang tatlong estudyante kada indigent family ang maaaring makatanggap ng cash aid na nagkakahalaga ng P1,000 para sa elementary students, P2,000 para sa high school students, P3,000 para sa senior high school students, at P4,000 para sa tertiary students.


Gayundin ayon kay Tulfo, ang mga hindi makapag-register online ay ia-accommodate ng district lawmakers sa pamamagitan ng partnership ng DSWD at ng liderato ng House of Representatives.


“Next week mag-uusap kami ng Kongreso, liderato ni Speaker [Martin] Romualdez, para pick up-in ang kulang ng ating butihing mambabatas per district na po… Hati po kami sa pondo para ma-serve po namin — ang mga hindi naka-online. Mag-uusap ang DSWD at Kongreso para mabigyan din po kayo,” ani Tulfo.


Sinabi pa ni Tulfo na ang House leadership at ang ahensiya ay bubuo ng mga mechanics kung paano ia-accommodate ang mga hindi makapag-register online para sa educational assistance.

0 comments

Recent Posts

See All

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page