ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 24, 2021
Dumating na sa Pilipinas ang karagdagang 2 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccine ngayong Huwebes nang umaga.
Ayon sa ulat, 400,000 doses nito ay binili ng lokal na pamahalaan ng Maynila habang ang iba pa ay binili ng national government.
Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 ang Cebu Pacific flight na may lulan ng naturang bakuna kaninang alas-7:26 nang umaga.
Sina Health Secretary Francisco Duque III, Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., at Manila Mayor Isko Moreno ang sumalubong sa pagdating ng Sinovac COVID-19 vaccines.
Samantala, ayon sa datos ng Department of Health (DOH), mahigit 8 million COVID-19 vaccine doses ang naipamahagi na at 2.6 million Pinoy na ang nakakumpleto ng bakuna.
Comments