ni Eli San Miguel @News | May 7, 2024
Iniulat ng Department of Health (DOH) ang mahigit sa 2,000 na kaso ng tigdas sa buong bansa.
Ipinakita ng pinakabagong datos mula sa DOH na mayroong 2,264 na kaso na iniulat hanggang ika-27 ng Abril, isang pagtaas na 39 porsyento kumpara sa 1,627 na naitala noong ika-6 ng Abril.
Base sa DOH, nasa pinakamataas na panganib sa tigdas ang mga bata na wala pang 10 taong gulang.
Isang nakakahawang sakit ang tigdas. Kumakalat ito sa hangin mula sa mga taong may tigdas, na kadalasan sa pamamagitan ng pag-ubo o pagbahing.
Comments