top of page
Search
BULGAR

2K healthcare workers, nai-deploy na sa ibang bansa

ni Zel Fernandez | May 13, 2022



Tinatayang aabot sa 2,000 healthcare workers na ang naipadala ng Pilipinas sa ibang bansa, mula noong Enero hanggang nitong Mayo 2022.


Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia, sa isinagawang briefing ng Laging Handa, karamihan sa mga nai-deploy na healthcare workers ay pawang mga nurse.


Matatandaang ngayong taon ay nagkaroon ng pahayag ang gobyerno na aabot lamang sa 7,500 healthcare workers ang papayagang makapagtrabaho sa labas ng bansa, lalo at nasa kalagitnaan pa ng pandemya ang Pilipinas.


Gayunman, kasunod ng pagluluwag ng mga health and safety protocols laban sa COVID-19 kaugnay ng pagbiyahe abroad, maaari na umanong mairekomenda sa Inter Agency Task Force (IATF) na maitaas pa ang deployment cap ng mga healthcare workers na pagbibigyang makapangibang-bansa.


Nauna rito, nakapagsagawa na anila ang Professional Regulation Commission (PRC) ng nursing licensure exam noong nakaraan at ngayong taon dahilan upang madagdagan pa ang mga registered nurses sa Pilipinas.


Коментари


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page