top of page
Search
BULGAR

29 bagong kaso ng Omicron variant

ni Lolet Abania | January 6, 2022



Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ngayong Huwebes ng 29 dagdag na kaso ng mas nakahahawang Omicron variant ng COVID-19, kaya umabot na sa kabuuang 43 ang kumpirmadong kaso nito sa bansa.


Kabilang sa bagong Omicron case, ayon sa DOH, 10 ay mga returning overseas Filipinos (ROFs) habang 19 ang local cases na ang kanilang mga address ay nasa National Capital Region (NCR). Samantala, 14 sa local cases ay nananatiling active, tatlo ang nakarekober na, habang dalawa ay bineberipika pa.


“The DOH is verifying the test results and health status of all passengers of these flights to determine if there are other confirmed cases or passengers who became symptomatic after arrival,” batay sa statement ng DOH.


Ayon sa DOH, mayroong 48 samples na kanilang nakuha para sa latest run sequenced nitong Enero 2, 2022. Paniwala ng mga DOH officials na ang Omicron ang dahilan ng biglaang pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.


Kaugnay nito, nakapagtala ang DOH ng 18 dagdag na kaso ng Delta variant, kaya umabot sa kabuuang 8,497.


Walo rito ay mga ROFs habang 10 ay local cases na ang mga address ay nasa NCR. Dahil dito, muling nanawagan ang DOH sa mga eligible individuals, partikular ang mga senior citizens, may mga comorbidities, at mga kabataang edad 12 hanggang 17 na magpabakuna kontra-COVID-19.


“Vaccines are still our best defense and proven to be safe, effective, and free. Let’s not be agents of transmission and prevent further spread of the virus as more transmission means more mutations,” pahayag ng DOH.


“At the earliest signs of symptoms, remember to isolate immediately and do the right test at the right time… Let’s keep our guards on for Omicron,” dagdag ng ahensiya.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page