top of page
Search

28 M Pinoy ‘di pa rin nabakunahan kontra-COVID-19

BULGAR

ni Lolet Abania | January 11, 2022



Ipinahayag ng Malacañang ngayong Martes na tinatayang nasa 28 hanggang 30 milyon Pilipino ang hindi pa rin nababakunahan laban sa COVID-19.


Sa isang press briefing, sinabi ni acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles sa bilang na ito, 3 milyon ay mga senior citizens o mga edad 60 at pataas.


Dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases at sa gitna ng pagkakaroon ng mas nakahahawang Omicron variant, nananawagan si Nograles sa publiko na dapat na magpabakuna na at i-avail ang booster shot matapos ang tatlong buwan na natanggap ang ikalawang dose ng two-dose COVID-19 vaccine at dalawang buwan naman para sa one-dose Janssen vaccine.


“All vaccines work, regardless of the brand,” sabi ni Nograles.


“Why do we need the vaccine and the booster when we could still get infected with it after? The protection that the vaccines provide comes not just in the form of reducing the likelihood of infection but also risk of developing severe symptoms,” dagdag pa ni Nograles.


Sa ngayon, nasa tinatayang 52.8 milyon Pinoy ang fully vaccinated kontra-COVID-19. Sa nasabing bilang, nasa 3.5 milyon ang nakatanggap na ng kanilang booster shot.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page