ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | March 22, 2023
KATANUNGAN
Sa edad na 28, ako ay single pa rin. Noong 19 naman ako, nagka-boyfriend ako, ngunit mula nang naghiwalay kami ay hindi na ako nag-entertain ng manliligaw. Naisipan kong sumangguni sa inyo dahil may nais akong linawin sa aking kapalaran.
Una, bakit ako madalas managinip ng nakikipag-love making ako sa kapwa ko babae? Nagigising na lang ako na basa ang underwear ko, kaya minsan ay iniisip ko na may pagka-tomboy ako.
May koneksyon din sa una ang pangalawa kong tanong — nakaguhit ba sa mga palad ko na magkaka-boyfriend ako o babae ang aking makakarelasyon?
KASAGUTAN
Maaring kaya ka nananaginip na nakikipagtalik sa kapwa mo babae ay dahil sa ‘unfulfilled unconscious wish.’ Ibig sabihin, maaaring hindi ka naging maligaya sa dati mong boyfriend, kaya gusto ng unconscious self mo na sa kapwa babae ka na lang makipag-love making. Subalit kung makikipagrelasyon ka na ulit ngayon, makikita mo na unti-unting mawawala ang panaginip mo na nakikipagtalik ka sa kapwa mo babae dahil ang ‘unfulfilled unconscious wish’ ay direkta mo nang mararanasan sa iyong boyfriend.
Hinggil naman sa iyong tanong kung may pagka-tomboy ka ba, siguradong hindi ang sagot dahil sa edad mong 28, kung lesbian ka talaga, malamang ay inilabas mo na ang iyong pagkatomboy o dapat may karelasyon ka na babae. Kung wala at hindi ka naman isinilang sa zodiac sign na Scorpio o sa buwan ng Oktubre, Nobyembre o Disyembre, walang duda na babaeng-babae ka, at ang kulang na lang sa iyo ay ang muling magka-boyfriend.
Ang isa pang patunay na hindi ka tomboy ay madaling kinumpirma ng malinaw na Guhit ng Lalaki (Drawing A. at B. K-K arrow a.), na sumabay at tuluyang nakiisa at nakipagniig sa Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay tanda na sa malapit na hinaharap ay magkaka-boyfriend ka at ang makakarelasyon mo ay isang nakapagtapos ng pag-aaral, sikat o may matatag na trabaho. Ngayon ay kilala mo na siya, ngunit hindi mo siya masyadong in-e-entertain dahil kung anu-ano ang pumapasok sa isipan mo.
Ngunit sa sandaling tuluy-tuloy na siyang nagpapansin, siya na ang tinutukoy ng kaisa-isang malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay nagpapahiwatig na ang ikalawang magiging boyfriend mo ay siya na ring iyong mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.
MGA DAPAT GAWIN
Habang, ayon sa iyong mga datos, Criselda, ngayong 2023 at sa edad mong 28 pataas, hindi matatapos ang buwan ng Mayo, habang papalapit ang tag-ulan, magkaka-boyfriend ka.
Sa sandaling nangyari ito, sa nasabing panahon, medyo may ambon at umuulan sa paligid, ito ang magsisilbing tanda na ang naturang lalaki ang iyong mapapangssawa at makakasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.
Comments