top of page
Search

28.7 M estudyante, naka-enroll sa SY 2022-2023 – DepEd

BULGAR

ni Lolet Abania | August 23, 2022



Umabot na mahigit 28.7 milyon ang bilang ng mga naka-enroll na mga learners para sa School Year 2022-2023 ngayong Martes, kung saan lumagpas ito sa target na 28.6 milyon ng Department of Education (DepEd). Hanggang alas-7:00 ng umaga ngayong Martes, ini-report ng DepEd na ang kabuuang bilang ng mga enrolled students para sa kasalukuyang academic year ay 28,797,660. Sa nasabing bilang, 24,668,233 ay mula sa quick count ng Learner Information System, habang ang 4,129,427 ay mula sa early registration data. Sa ngayon, ang Calabarzon ang nakapag-record ng pinakamataas na bilang ng registrants na may 3,944,335, kasunod ang Central Luzon na may 2,972,066, at National Capital Region (NCR) na may 2,762,592. Matatandaan na ang enrollment period ay nagsimula noong Hulyo 25 habang nagsara naman ng Agosto 22 o ang unang araw ng mga klase. Gayunman, ang mga late enrollees ay tatanggapin pa rin base sa DepEd Order (DO) 3, s. 2018 o ang Basic Education Enrollment Policy. Sa ilalim ng polisiya, ang paaralan ay maaaring tumanggap ng late enrollees subalit dapat ma-meet ng estudyante ang 80% ng kinakailangan na bilang ng school days para sa bawat school year, gayundin ang quarterly requirement para maipasa ang grade level batay sa pinamamahalaan na pinakabagong umiiral na applicable DepEd issuances. “If the learner cannot meet the required number of school days and the quarterly requirement, the school head may exercise his/her discretion to accept the enrollee and implement catch-up activities or interventions under acceptable circumstances,” batay sa DO.

Hinimok naman ni DepEd spokesperson Michael Poa ang mga magulang na samantalahin ang late registration scheme. “Hinikayat natin ang ating mga magulang na i-enroll na ‘yung mga hindi nakakapag-enroll na anak para maihanda natin [nang tuluy-tuloy] ang ating mga paaralan base sa actual number of learners this year,” ani Poa sa isang statement. Sa mga nagnanais na mag-enroll sa Alternative Learning System (ALS) ayon sa DepEd, gawin nila ito via digital at/o physical platforms na itinakda ng mga paaralan at community learning centers sa kanilang mga barangay.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page