ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 25, 2021
Tinatayang aabot sa 27 katao ang namatay at 46 ang sugatan nang masunog ang COVID-19 intensive care unit ng isang ospital sa southeastern Baghdad, Iraq noong Sabado.
Ayon sa ulat, sumabog na oxygen cylinder tank ang sanhi ng sunog sa Ibn Khatib Hospital sa may Diyala Bridge area dahil umano sa maling storage nito.
Marami ang dumating na ambulansiya at inilipat ang mga pasyente sa ibang pasilidad kabilang na ang mga hindi napuruhan.
Ayon sa head of Iraqi civil defense unit, nagsimula ang sunog sa palapag na nakatalaga para sa pulmonary intensive care unit at aniya ay “90 people out of 120” ang na-rescue sa insidente.
Samantala, sa kabuuang bilang ay nakapagtala ang Iraq ng 1,025,288 kaso ng COVID-19 at pumalo na sa 15,217 ang death toll, ayon sa health ministry ng naturang bansa noong Sabado.
Comentários