ni Jasmin Joy Evangelista | October 5, 2021
Binaha ang maraming lugar sa Capiz matapos ang walang tigil na ulan bunsod ng Bagyong Lannie.
Ayon kay Jing Pelaez ng Capiz Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, mas dumami ang barangay at munisipyo na apektado sa pagbaha.
"Kung kahapon ay 13 pa lang po yung binabaha, ngayon ay 27 barangays na at saka 4 na municipalities ang affected. Nasa 17 individuals o 7 pamilya ang inilikas sa bayan ng Mambusao dahil sa pagbaha," aniya.
Kabilang sa mga bayan na apektado ay ang Mambusao, Jamindan, Dumalag at Sigma.
Ayon sa PAGASA nitong Martes, makakaranas pa rin ng malakas na pag-ulan ang Western Visayas dahil sa epekto ng bagyo.
Comments