top of page
Search

267K estudyante, next na bakunahan kontra-COVID-19

BULGAR

ni Lolet Abania | September 15, 2021



Plinaplano na ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na makapagbakuna ng 267,000 estudyante na nasa 12 hanggang 17, habang naghahanda para sa vaccination rollout ng mga menor-de-edad.


Sa inilabas na press statement ngayong Miyerkules, ayon sa local government ang kanilang QC Task Force Vax to Normal ay nakikipag-ugnayan na sa mga pribado at pampublikong paaralan ng lungsod para ilista ang bilang ng mga enrolled students ngayong academic year 2021-2022.


Ayon kay task force co-chairman Joseph Juico, inihahanda na nila ang online booking system para sa programa ng pagbabakuna sa mga kabataan kapag ang mga supplies ay dumating na.


Bukod sa mga estudyante, sinabi pa ni Juico na kabilang din sa vaccination program aniya, “out-of-school youth, homeschooled, and students enrolled outside the city.”


Ang Quezon City ay nagsimulang maghanda para sa vaccination ng mga kabataan matapos na umabot ang lungsod na makapagbakuna ng mahigit 80% ng mga eligible population o mga nasa edad 18 pataas.


“It is now time to shift our attention to minors because they are also vulnerable to the virus. Moreover, they comprise about 30% of the city’s approximately 3.1 million population and it is impossible to reach herd immunity or 80% of total population without including them,” pahayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.


Hanggang nitong Setyembre 15, ang Quezon City ay nakapag-administer na ng 1,750,537 ng unang dose o 102.97% ng kanilang target population. Sa bilang na ito, ang mga fully vaccinated individuals ay nasa 1,232,681 o 72.51% ng target na populasyon.


Samantala, iba pang local government units sa Metro Manila na nagbukas na rin ng registration ng pagbabakuna ng mga kabataan ay Pateros, Manila, Caloocan, Mandaluyong, at Taguig.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page