ni Gerard Peter - @Sports | December 2, 2020
Itinuturing ni Filipino online karateka sensation Orencio James De Los Santos na isang malaking karangalan ang mapanalunan ang ika-25th titulo nito laban sa pambato ng Hungary na si Botond Nagy na isang dekalibreng karateka sa kanilang bansa.
Dinaig ng 30-anyos na dating National Team member ang kasalukuyang Guinness World record holder na si Nagy ng gawin nito ang pinakamabilis na roundhouse kicks sa karate sa buong mundo sa oras na 0.476 segundo. Pasok din ito sa 34th place sa Olympic ranking at patuloy na susubok na makapasok sa Summer Olympic Games na nakatakdang ganapin simula Hulyo 23-Agosto 8 sa Tokyo, Japan. “It was a very meaningful 25th Gold medal win for me because my final opponent, Nagy Botond, is Hungary’s best kata player. He is no. 34 in the Olympic Ranking and a Guinness World Record holder. It was a tough fight, and an honor for me to face a kata player of such caliber,” pahayag ni De Los Santos sa panayam ng Bulgar sa online interview. “You can say that he’s the Olympic hopeful for Hungary,” dagdag ng De La Salle University graduate sa paghanga sa Hungarian karateka.
Dinaig ni De Los Santos ang 26-anyos na masasabing pinakamahusay na kata player ng Hungary sa madikitang laban na 24.9-24-5 sa finals ng Katana Intercontinental Karate League E-Tournament #4 E-Kata Seniors male 16-years and older Top 8. Bago rito ay tinalo niya sa round 1 si Cornelius Johnsen ng Norway, kasunod si Nejc Sternisa ng Slovenia sa round 2, habang tinalo ni Nagy sina Alfredo Bustamante ng U.S. at Silvio Cerone-Biagioni ng South Africa.
“I’m very sure he is, since he’s at the top 40 for the Olympic Rankings. And he’s the best senior male kata player for Hungary,” wika ni De Los Santos nang matanong ang tsansa ni Nagy na makapasok sa Olympics sa susunod na taon.
Ito na ang unang titulo ng 6th-time Philippine National Games champion ngayong buwan ng Disyembre kasunod ng 5-sunod na titulo sa Nobyembre na tinapos ng panalo sa prestihiyosong 5th edition ng SportData eTournament World Series, at ang mga tagumpay sa Golden League Karate E-Tournament #3, E-Champions Trophy World Series 2, Okinawa, Nox Dojo Markham City Open eTournament at Athlete’s E-Tournament #2.
Comments