top of page
Search

25th b-day, si Chloe lang ang kasama… CALOY, ‘DI BINATI NG BUONG PAMILYA SA SOCMED

BULGAR

ni Nitz Miralles @Bida | Feb.18, 2025





Ika-25th birthday ni Carlos Yulo noong February 16, at based sa Instagram (IG) post nito, sa Vietnam siya nag-celebrate ng birthday kasama ang girlfriend na si Chloe San Jose. 


Ang daming bumati kay Caloy ng happy birthday at hinanap namin kung may birthday greetings ang siblings niya o kaya’y dad niya, pero wala. O baka naman, in private na lang ang birthday greetings sa kanya ng kanyang pamilya.


Sabi ni Carlos, “Maraming salamat po Lord sa mapagpalang kaarawan!  


Sa lahat ng pagsubok, blessings, experiences sa buhay at sa mga taong ipinalibot n’yo po sa ‘kin upang ako ay suportahan, tanggapin at higit sa lahat at mahalin, lubos po akong nagpapasalamat.”


May birthday greetings din si Chloe kay Carlos. 


“To my favorite person in the universe and my heart’s biggest blessings, happy 25th birthday mahal ko.  


“I wish you nothing but the best and the fulfillment of every dream you hold close to your heart.  


“I’m beyond grateful to love you, laugh with you, and grow with you—thank you Lord God. Here’s to more birthdays to come and celebrate together, forever.”


 

Gusto na raw maging independent… 

JILLIAN, SOLO NA SA CONDO




Sa condo na pala nakatira si Jillian Ward. Sinusubukan na raw niyang maging independent, pero siguradong madalas pa rin siyang umuwi sa bahay nila sa Pampanga, lalo na kapag wala silang showbiz commitment sa Manila.


Nabanggit ni Jillian na sa condo na siya nakatira nang mag-guest sa Lutong Bahay (LB) last Sunday. Napag-usapan kasi ang mga trophy niyang napanalunan na nasa bahay nila sa Pampanga. Ang naka-display lang sa condo niya ay ang trophy ng German Moreno Youth Achievement Award na very special sa kanya.


Naikuwento ni Jillian na madalas siyang mag-guest sa TV show ni Kuya Germs at pinapakanta siya. Tuwing natatapos ang show, pasimple siyang binibigyan ng pera ng TV host, hindi niya makalimutan ang kabaitan nito sa kanya.


In the same interview ni Mikee Quintos, nakangiting ikinuwento nito na nagkita sila ng dad niya the day before her guesting. Masaya ang aktres na makasama ang ama na hindi na nila kasama sa bahay dahil hiwalay na sa mom niya. Ang paghihiwalay ng parents ang isa sa pinakamalungkot na nangyari sa buhay niya.


Samantala, malapit nang magtapos ang My Ilongga Girl (MIG) na pinagbibidahan ni Jillian dahil short series lang ang show. Umaasa ang mga fans nila ni Michael Sager na kahit tapos na ang series, may mga susunod pa rin silang project.


Nabanggit na may gagawin silang pelikula at wish ng dalawa na matuloy para na rin sa kanilang mga fans na nalulungkot na sa pagtatapos ng MIG.


 

PAULIT-ULIT na “Oh, my God!” ang reaction ni Julie Anne San Jose nang mabuksan at makita ang pahabol at dagdag na Valentine’s Day gift sa kanya ng boyfriend na si Rayver Cruz.


Nang makita finally ang guitar, napalakas ang “Oh, my God!” comment ni Julie. 


“Dati pangarap ko lang ‘to. My first bass. Hala! Ang ganda!” sabi pa ni Julie na later on, tumayo na at kiniss sa cheek ang boyfriend.


Bass guitar ang isa pang Valentine’s Day gift ni Rayver kay Julie, the day after February 14. Noong mismong Araw ng mga Puso, isang big bouquet of red roses ang regalo ni Rayver at pumunta siya sa set ng trabaho ng singer-actress.


Maaalalang last Christmas, isang Ed Sheeran guitar naman ang Christmas gift ni Julie sa boyfriend na pinalitan nito ng bass guitar. Hindi ito ang first time na nagpalitan ng pagreregalo ng gitara ang magdyowa at sa dami na nilang nairegalong gitara sa isa’t isa, marami na silang naipon.


Natuwa ang celebrity friends nina Rayver at Julie sa kanila, lalo na kay Julie na ramdam ang tuwa sa bagong regalo ng boyfriend at sa dagdag sa kanyang guitar collection. Ilang gitara pa kaya ang madaragdag sa koleksiyon ng magdyowa bago sila ikasal?


Ang daming mamanahin ng mga magiging anak nina Julie at Rayver kung sakali.

Ang suwerte ng mga future kids ng dalawa, hindi na sila bibili ng mga gitara. Tapos may piano pa si Julie Anne San Jose at drum set at marami pang ibang musical instrument si Rayver Cruz.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page