ni Jasmin Joy Evangelista | February 8, 2022
Inaasahang nasa 25,000 katao ang dadalo sa proclamation rally nina presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos at kanyang running mate, vice presidential aspirant Sara Duterte-Carpio na gaganapin ngayong araw, February 8, 4:00 p.m. sa Philippine Arena.
Ayon sa Marcos’ camp, ang mga volunteers ay nag-prepare na sa naturang event simula pa noong Sabado.
Bilang pagsunod sa minimum public health standards, kalahati lamang ng seating capacity ng arena (25,000) ang papayagang makapasok.
Inaasahan ding ipapakilala na nina Marcos at Duterte-Carpio ang kanilang senatorial slate sa gaganaping rally.
Base naman sa impormasyon mula sa Marcos camp, kabilang sa slate sina Sen. Win Gatchalian at Migz Zubiri.
Posible rin umano na kabilang dito sina former Defense Sec. Gibo Teodoro, former DPWH Sec. Mark Villar, former Palace Spokesperson Harry Roque, Congresswoman Loren Legarda, former Sen. Jinggoy Estrada, Congressman Rodante Marcoleta, former Quezon City Mayor Herbert Bautista, lawyer Larry Gadon, at former DICT Sec. Gringo Honasan.
Comments