ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 14, 2024
Iniulat ng Department of Health (DOH) ngayong Huwebes na mayroong 251 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa mga ospital sa buong bansa mula Pebrero 27 hanggang Marso 4, na naglalarawan ng isang average na 36 kaso ang naitala kada araw.
“This is 27 percent lower compared to the average daily cases recorded last February 20 to 26,” sabi ng ahensya.
Gayunpaman, iniulat din ng DOH na sa mga bagong kaso ng COVID-19, pito ang namatay.
Sinabi ng DOH na nagpapakita ang bagong datos ng “low severity and fatality,” na dahil sa proteksyon na ibinibigay ng pagpapabakuna.
Idinagdag din ng kagawaran na patuloy itong nagbabantay para sa anumang banta ng nakakahawang sakit na nakakaapekto sa mga Pilipino.
Comments