24 M Pinoy bakunado na kontra-COVID-19 — Malacañang
- BULGAR
- Oct 19, 2021
- 1 min read
ni Lolet Abania | October 19, 2021

Umabot na sa mahigit 24 milyong Pilipino mula sa 109 milyong populasyon ang bakunado na kontra-COVID-19, ayon Malacañang ngayong Martes.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nakapag-administer na ang mga awtoridad ng 52.7 milyong COVID-19 shots sa buong bansa, kabilang dito ang tinatayang 28.2 milyong Pinoy na nakatanggap ng first dose.
Ayon din kay Roque sa press briefing, tinatayang 24,498,753 indibidwal naman ang fully vaccinated na hanggang nitong Lunes, kung saan nasa 31.76 percent ito ng target ng gobyerno na mabakunahan laban sa COVID-19.
Sa Metro Manila, tinatayang 7.8 milyong indibidwal ang nakatanggap ng ikalawang dose habang 9 milyon naman ang nabigyan ng unang dose ng COVID-19 vaccines, pahayag pa ng kalihim.
Una nang sinabi ng World Health Organization (WHO) na kinakailangang ang mga bansa ay makapagbakuna ng nasa 85 porsiyento ng kanilang populasyon kontra-COVID-19 matapos ang pagkakaroon ng mas nakakahawang mga variants.
Comments