top of page
Search

24 hrs. daw nag-taping… ENDING NG SERYE NI BEA, TRENDING DAHIL CHAKA NA, LUMABAG PA SA BATAS

BULGAR

ni Julie Bonifacio @Winner | Jan. 20, 2025



Photo: Bea Alonzo sa Widows War - Instagram


Another trending topic na pinag-uusapan sa X (dating Twitter) ay ang ending ng GMA-7 teleserye na Widows’ War (WW).


Marami, o halos lahat, ng mga viewers ng WW ay disappointed sa naging ending ng isa sa top-rating drama series ng Kapuso Network.


Narito ang ilan sa karamihang posts ng avid followers ng WW.


Aniya, “Why are people upset sa Widows’ War finale? Kasi it’s a good show and sa last ep (episode) pa talaga sumablay. Pero in fairness, PINAG-USAPAN nang bonggang-bongga.”

“GAANO KATAMAD ANG WIDOWS’ WAR!


Sinira ang sinimulan nilang mahusay. Or kahit pumantay man lang sa buong takbo ng Widow's Web at Royal Blood!”


“BAKIT GREEN SCREEN!!!!”


“Ang pangit. Huhuhu (crying emoji)!”


“Nakakagago talaga, eh. Sayang, bwiset!”


“Maganda ang Widows’ War nu’ng una kaso pumanget, lalo na nu’ng ending. Hello! Bea Alonzo ‘yan, tapos chuchugiin lang sa huli. Ito ang pinakapanget na ending na nangyari sa career ni Bea sa lahat ng teleserye n’ya. Sayang pasabog nu’ng pilot ep, sa ending, palpak. Ano’ng nangyari? Sayang talaga.”


May mga “naawa” naman kay Bea dahil sa ginawang pagpatay sa kanya sa ending ng WW.


“I’m so sorry Bea Alonzo, you did not sign up for this kind of treatment. Grabe ‘yung green screen death scene plus the downgrade!!!”


“Didn’t expect that ending of Widows’ War. Felt bad for Bea Alonzo’s character’s death scene. Green screen! Lols. Sayang naman! I thought that’s her best GMA series.”


“Trending nga pero puro pamba-bash naman ang ginawa nila sa palabas at kay Bea. Grabe kayo! Prod team ng WW, sa director at writer, ang lala n’yo, ang panget talaga, alam n’yo naman maba-bash nang malala si Bea at ‘yung WW, itinuloy n’yo pa rin ang napakapanget n’yong ending.”


May nagduda pa na netizen on GMA-7 management’s love and support kay Bea.

“GMA hates Bea Alonzo so much???”


“Kawawang Bea Alonzo. Binotcha ng GMA ang career n’ya. Back-to-back-to-back flopseryes!”

Pati sa direktor at writer ng WW, may kuda rin ang mga netizens.  


“I know, even Sir TJ Nuevas is unsatisfied. This is one of the best shows of Bea Alonzo. Sobrang sayang lang (crying emoji) but still, I love you, Widows’ War (Season 1 only). HAHAHAHA!”


“Bwahahahaha, p*t*ng in* ka direk iniwan mo kasi @altdirekziggy (Zig Dulay).”

“Pinagod kasi nila si Direk Zig Dulay. Ibigay ba naman sa isang direktor na pang-anthology.”

Tsika pa ng mga netizens, na-busy daw kasi si Direk Zig sa paggawa ng Green Bones (GB) kaya inalis sa WW. Puwede naman daw ibinalik si Direk Zig para sa finale ng WW na ‘di raw nangyari.


And how true na 24 hours daw nag-taping ang cast and production ng WW?

“‘Di ba, bawal ‘yan dahil may batas na tungkol sa oras ng pagtatrabaho sa set?”

Ayon sa Eddie Garcia Bill na naipasa na, 


“Work hours should not exceed 14 hours per day and 60 hours per week, with mandatory rest periods between shifts.”


And don’t forget the story behind the Eddie Garcia Bill. Nabuo ‘yan pagkatapos pumanaw ang veteran actor na si Eddie Garcia dahil sa aksidente sa set ng taping niya sa isang teleserye sa GMA-7.


If true na 24 hrs. nag-taping ang cast and production ng WW, sino naman kaya ang dapat makialam or kanino puwedeng maghain ng reklamo?


At kapag nagreklamo? Malamang, hindi na ‘yan kukunin sa anumang proyekto ng network. 


 

TV host, nainsulto, pumalag…

PBB AT BIANCA, MINURA NG FANS





Pinalagan ni Bianca Gonzales ang netizen na nang-bash sa ABS-CBN program reality show na Pinoy Big Brother (PBB) tungkol sa bunutan ng pangalan kung sino among the housemates ang susunod na tatanungin.  


Umalma kasi ang ibang mga fans noong nabunot nina Fyang at Dylan ang isa’t isa. At dahil daw diyan, natira sina JM at Jas na magkasama sa Q&A sa episode na ‘yun.  


May nagmurang netizen at sinabing scripted daw ang galawan sa loob ng PBB house.  

Post ni Bianca sa X (dating Twitter), “Kailangan talaga murahin mo kami? Insultuhin, just because it does not meet your standard? We get a lot of bashing, I understand, but I put my foot down ‘pag sobra na.  


“Ask Fyang, JM, Jas, and Dylan if you want. Nabunot ni Jas ‘yung sarili niyang pangalan in the first round so EVERYONE had to pick names again. The next round, everyone got a different name from theirs. Hindi na kasya sa running time to air the first part so we went straight to the actual Q&A.  


“We value fans’ opinions a lot, pero ‘pag minura na kami, mali na ‘yun. Sana next time, share your thoughts na mas makatao. Iba ‘yung pagpapakatotoo sa pagiging makatao. Parehong importante ‘yun.”  


May nagbigay ng simpatya kay Bianca sa social media.  


Aniya, “Sobra pala talagang toxic ng fans ng PBB kasi si Bianca Gonzales na host, minura.”  

Pero meron din na lalo pang nag-react negatively sa post ni Bianca.  


Sey ng isang netizen, “Thank you for explaining the situation, Madame B. I get that things can get hectic, but I hope next time the management or you can make an extra effort to clarify on-air, like mentioning that the names were redrawn by the ex-housemates. It wouldn’t take much time, maybe just a quick statement, but it could really help avoid confusion. Viewers tend to notice every little detail, especially because of past issues. A little transparency would go a long way.


“I respect you Miss B, pero sana, naisip n’yo rin ‘yung kakahinatnan ng mga ex-HMs dahil sa episode n’yo this week. Panay kayo sabi ng spread love, pero kayo rin nagsisimula ng fan wars. We tried na huwag nang intindihin ang iba and mag-focus sa mains namin (JMFyang) pero...”  


Well, you can’t really please everyone.  


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page