top of page
Search
BULGAR

23K food packs, ibinigay sa mga binagyo sa Eastern Visayas — DSWD

ni Lolet Abania | December 21, 2021



Nakapagbigay na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng kabuuang 23,778 family food packs sa 15 local government units (LGUs) sa Eastern Visayas na apektado ng Bagyong Odette ngayong Martes.


Ayon sa ahensiya, nakipag-ugnayan sila at katuwang ang Office of Civil Defense, Philippine Air Force, Philippine Army, at Philippine National Police para sa transportasyon ng family food packs (FFPs) patungo sa Southern Leyte:


Silago - 2,108;

Hinundayan - 2,100;

Hinunangan - 3,500;

Saint Bernard - 1,500;

Sogod - 2,400;

Maasin City - 1,000;

Liloan - 1,800;

Limasawa - 2,000;

Macrohon - 500;

Bontoc - 1,000;

San Francisco - 1,600;

San Juan - 700 at sa Leyte:

Dulag - 1,000;

Hilongos – 70;

Tacloban City - 2,500.


Bawat food pack ay naglalaman ng 6 na kilo ng bigas, 4 cans ng corned beef, 4 cans ng tuna flakes, 2 cans ng sardines, 5 sachets ng kape at 5 sachets ng cereal drink.


Ayon sa DSWD, bawat pakete ay makakapagsustena sa isang pamilya ng dalawa hanggang tatlong araw.


“These FFPs and its contents may not be sold, as it is intended for relief distribution to disaster-affected families,” batay sa statement ng DSWD.


Giit naman ni DSWD spokesperson Irene Dumlao, mayroon na silang mahigit P900 milyon halaga ng available stockpiles at standby funds para makatulong sa mga naapektuhan ng Bagyong Odette.


Sinabi rin ni Dumlao na hanggang nitong Sabado, nakapagbigay na ang DSWD ng tinatayang P3.5 milyong halaga ng assistance sa mga lugar na hinagupit ni Odette sa Caraga, Eastern at Western Visayas, at Mimaropa regions.


Paliwanag naman ng DSWD na batay sa Republic Act 10121, ang mga LGUs ang unang dapat na rumesponde sa panahon ng disasters o mga sakuna. Habang maaari namang mag-request ng karagdagang relief items mula sa ahensiya kung kinakailangan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page