top of page
Search
BULGAR

23 sa Hospicio de San Jose, positive sa COVID

PHOTni Lolet Abania | April 29, 2021




Isinailalim sa lockdown ang Hospicio de San Jose sa Manila matapos na 23 sa kanila ang nagpositibo sa COVID-19 ngayong Huwebes.


Ito ang kinumpirma ng isa sa student-volunteers ng institusyon.


Ayon kay Jenebeth Paniterce, 15 health staff members, 6 na matatandang residente at 2 student-volunteers ang infected ng virus nang simulan nila ang COVID-19 testing noong April 15.


Isa sa mga senior citizens ang namatay sa nasabing sakit habang ang tatlo ay dinala sa ospital ngayong Huwebes nang umaga.


Sa ngayon, mayroong 22 active cases na lahat ay naka-isolate na sa dalawang lugar sa orphanage.


Patuloy din ang isinasagawang swab tests ng pamunuan ng Hospicio hanggang sa lahat ng 450 indibidwal sa compound ang makapag-test.


Gayunman, ayon kay Paniterce, hindi pa nila ma-trace kung saan nagsimula ang virus.


Para matiyak ang kaligtasan ng lahat ng nasa Hospicio, hindi pinapayagang lumabas ng Isla de Convalecencia, kung saan matatagpuan ang mga tirahan ng mga residente.


Humingi naman ng tulong na donasyon ang Hospicio de San Jose upang magpatuloy ang kanilang serbisyo sa ampunan.


Mas ninanais nilang mabigyan ng in-kind goods gaya ng de-lata, mga gatas para sa mga sanggol, toddlers at matatanda, infant meals, bigas, tinapay at noodles.


Kinakailangan din nila ang mga hygiene kits kabilang na ang mga diapers, gamot at medical equipment tulad ng personal protective equipment (PPE) at face masks.


Nanawagan na rin sa Facebook ang Archdiocesan Shrine of Santo Niño-Tondo Manila para sa donasyong ibibigay sa Hospicio.


“They are running out of food because nobody is donating to them and the sisters are worried about the children and elders. They are appealing to your kind generosity,” ayon sa post ng simbahan.


Maaari ring direktang ibigay ang mga donations kay Sister Marcelita Catarina D.C. sa Hospicio de San Jose, Ayala Bridge, Quiapo, San Miguel, Manila.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page