top of page
Search
BULGAR

23 patay, 70 sugatan sa bumagsak na tren sa Mexico

ni Lolet Abania | May 4, 2021




Nasa 23 ang namatay habang marami ang nasugatan matapos na bumagsak ang tren na kanilang sinasakyan nang gumuho ang isang elevated metro line sa Mexico City kahapon, ayon sa mga awtoridad.


Makikitang ang carriages ay nakasabit sa overpass mula sa mga sala-salabat na kawad at kable kung saan halos nakababa na ang dulo ng tren o naka-V-shape.


“Unfortunately, there are 23 deceased, including minors,” ani Mexico City Mayor Claudia Sheinbaum.


Tinatayang nasa 70 naman ang nasugatan sa insidente, na pinakamalalang nangyari sa Mexico City sa kanilang metro line mula nang ito ay binuksan noong 1969.


Agad na rumesponde ang emergency workers upang matulungan ang mga biktima sa loob ng carriages.


Inilagay naman ng mga medics sa mga stretchers ang ibang mga nasugatang biktima, habang ang mga nasawi ay dinala sa iba’t ibang ospital.


Ayon pa sa alkalde, nangyari ang insidente matapos na ang isang section ng elevated tracks ay mag-collapse sa Olivos station bandang alas-10:00 ng gabi (0300 GMT).


Nagtungo naman ang mga kaanak ng mga biktima sa site upang alamin ang tungkol sa kanilang mga mahal sa buhay na posibleng nakasakay sa nasabing tren.


“My daughter-in-law called us. She was with him and she told us the structure fell down over them,” sabi ni Efrain Juarez sa Agence France-Presse (AFP), kung saan ang kanyang anak ay nakasama sa insidente.


Isa pang lalaki na ayaw ipabanggit ang pangalan, ang nagsabing ang kanyang kapatid na lalaki ay nakasama sa na-trap sa loob ng tren.


“He came with his wife and they managed to get her out, but he was crushed there and we don't know anything,” aniya.


Samantala, sandaling inihinto ang pag-rescue sa iba pang biktima sa dahilang maaaring bumigay nang husto ang tren.


“For now, the rescue has been suspended because the train is very weak. A crane is coming to continue the work,” ani Sheinbaum.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page