ni Thea Janica Teh | October 9, 2020
Umabot sa 225 pamilya ang inilikas sa Lucena City, Quezon Province ngayong Biyernes nang umaga matapos tumaas ang baha bunsod ng tuluy-tuloy na pag-ulan.
Ayon kay Lucena City Disaster Risk Reduction and Management Office Officer Janeth Gendrano, 7 villages ang naapektuhan ng baha dahil sumabay din ang pagtaas ng tubig sa ilog.
Dagdag pa ni Gendrano, umabot na sa ikalawang palapag ng bahay ang baha sa Barangay Market View.
Kaya naman, agad na dinala ang mga residente sa evacuation center at inaasahan pang madaragdagan ito ngayong araw.
Samantala, wala namang naitalang nasira o nasugatan sa insidente.
Comentários