ni Lolet Abania | February 27, 2022
Dalawampu’t dalawang Filipinos na apektado ng invasion ng Russia sa Ukraine ang naghihintay na ng kanilang repatriation sa bansa, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Sa isang tweet ngayong Linggo ni DFA Undersecretary Sarah Lou Arriola, sinabi nitong sa kabuuang bilang na Pinoy, apat ang nasa western city ng Lviv sa Ukraine, habang 13 ay nasa Warsaw, Poland, at 5 naman sa Moldova.
Ayon pa kay Arriola, anim na Pinoy na ang nakabalik sa bansa. Kinumpirma naman ni Arriola sa isang interview na ang 13 na nasa Poland ay naghahanda nang umuwi ng Pilipinas. Aniya, ang mga naturang Pinoy ay tumawid sa Polish border mula sa Ukraine at nakasama na ni DFA Secretary Teodoro Locsin, Jr.
Ipinahayag din ni Arriola na 181 Filipinos ang lumipad patungong Lviv mula sa capital city Kyiv, kung saan maraming nagaganap na sagupaan.
Ilang Pinoy naman aniya, ang ayaw na iwanan ang nasabing bansa dahil sa mga asawang nilang Ukrainians. Ayon pa kay Arriola, mayroon ding mga Pinoy household service workers sa Kyiv na nagsabing mag-e-evacuate sila kasama ang kanilang mga employers.
Ngayong Linggo (oras sa Manila), ipinahayag ni Ukranian President Volodymyr Zelenskiy na ang mga tropa ng kanilang bansa ay patuloy na lalaban sa mga Russian forces.
Una nang sinabi ng DFA na ang mga nangangailangan ng repatriation assistance ay pinapayuhang kontakin o tawagan ang Philippine Embassy sa Poland sa pamamagitan ng mga sumusunod na detalye:
• Email: (warsaw.pe@dfa.gov.ph)
• Emergency Mobile Number +48 604 357 396
• Office Mobile Number +48 694 491 663
• Philippine Honorary Consulate General in Kyiv, Ukraine -- Mobile Number +380 67 932 2588
Maaaring makontak ang DFA sa kanilang Facebook page.
Comments