top of page
Search
BULGAR

217,058 pamilya, apektado ng Bagyong Quinta

ni Lolet Abania | October 27, 2020




Umabot sa 217,058 pamilya o 859,169 indibidwal mula sa 743 barangay sa Bicol Region ang labis na naapektuhan sa pananalasa ng Bagyong Quinta, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) sa Region V.


Sa inilabas na report ng OCD-5, mayroon ding 20,595 pamilya o 73,374 indibidwal ang pansamantalang nanirahan sa 618 evacuation centers sa Bicol.


Gayundin, tinatayang 8,684 pamilya o 38,599 katao ang lumikas at nananatili sa mga private houses ng nasabing lugar. Apat na mangingisda naman mula sa Barangay Pananogan sa Bato Town at isa mula sa Barangay Cagdarao sa Panganiban, ang nailigtas ng mga rescuers.


Ayon pa sa report ng OCD-5, umabot sa kabuuang halaga na P26,040,000, kabilang dito ang P1,040,000 sa electrical power at P25 million na flood control ang napinsala sa Sorsogon.


May naiulat ding mga lugar na lubog sa baha, kung saan 18 munisipalidad sa Camarines Sur at isang municipality sa Camarines Norte. May kabuuang 521 kabahayan sa Bicol ang bahagyang nasira habang 53 ang nawasak.


Sa Camarines Sur, may naitalang 148 na bahay ang bahagyang napinsala at 52 naman ang tuluyang nagiba. Sa Sorsogon, mayroong 373 tahanan ang bahagyang nasira habang isa ang nawasak. Dagdag pa rito, may 32 stranded na pasahero, 15 trak at walong malalaking sasakyan ang nananatili sa pantalan ng nasabing rehiyon.


Samantala, ayon sa PAGASA, inaasahang lalabas na ng bansa bukas nang umaga ang Bagyong Quinta.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page