ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 5, 2021
Patay ang 21 katao sa East Timor dahil sa baha at landslides na idinulot ng tumamang tropical cyclone sa bansa ngayong Lunes.
Pahayag ni Main Director of Civil Protection Ismael da Costa Babo, “According to preliminary data, …the total loss of life is 21 people.”
Aniya, tinatayang aabot naman sa 1,500 ang inilikas sa Dili na capital city ng East Timor.
Samantala, apektado rin ang Indonesia sa naturang tropical cyclone at marami na ring tulay at mga puno na bumagsak.
Ipinag-utos na rin ni President Joko Widodo ang pagsasagawa ng relief operations.
Aniya, "I have ordered for disaster relief efforts to be conducted quickly and well."
Inaasahan din ng weather agency ng Indonesia ang posibilidad na mas lalakas pa ang naturang bagyo.
Comments