ni Lolet Abania | August 4, 2021

Mahigit sa 21 milyon doses na ng COVID-19 vaccines ang na-administer ng gobyerno sa mga mamamayan hanggang nitong Agosto 3, 2021.
“We would like to present to Congress the good news that the Philippines has already administered 21,883,781 doses of various vaccines, 12,058,315 have taken the first dose while 9,825,466 Filipinos are now fully vaccinated,” ani Vaccine Czar Secretary Galvez sa briefing ng House committee on health sa sitwasyon ng bansa sa COVID-19 ngayong Miyerkules.
Ayon kay Galvez, ang bilang ng mga indibidwal na fully vaccinated ay nasa 13.87% sa target ng gobyerno para sa mga eligible na populasyon na nasa edad 18 at pataas, at nasa 8.85% sa kabuuang populasyon ng Pilipinas Binanggit din ni Galvez na nagkaroon ng “significant” na pagdami ng daily average na pagbabakuna kung saan 529,911 doses ang naibigay sa mga indibidwal mula Hulyo 28 hanggang Agosto 3.
“Many people and even our detractors said that it is very impossible for us to have the 500,000. Now we are breaching more than 600,000 and nearing 700,000 mark,” saad ni Galvez. Nakapagtala ang pamahalaan ng pinakamataas na bilang ng nabakunahan sa isang araw nitong Agosto 3 na umabot sa 673,652 doses ng COVID-19 vaccines.
Samantala, pumalo na sa 3,709,376 mga indibidwal ang nabakunahan sa loob lamang ng isang linggo. Sinabi ni Galvez na sa ngayon, nakatanggap na ang Pilipinas ng 37,275,800 doses ng COVID-19 vaccines simula noong Pebrero.
Para sa buwan ng August, inaasahan ng gobyerno na mai-deliver ang karagdagang 22,726,000 doses ng bakuna. “We analyzed and assessed that in order to meet monthly demand and increasing capacity of all regions, provinces, and districts, the Philippines needs to deliver at least 25 million monthly,” sabi ni Galvez.
Comments