top of page
Search
BULGAR

21 kaso ng Omicron variant naitala sa Bacolod City

ni Jasmin Joy Evangelista | February 15, 2022



Nakapagtala ng 21 bagong kaso ng Omicron variant sa Bacolod City ang Philippine Genome Center.


Gayunman, lahat ng mga ito ay naka-recover na, ayon kay Dr. Chris Sorongon, deputy ng Bacolod Emergency Operations Center.


Labing-isa sa mga ito ay lalaki habang 10 ang babae na pawang mga nasa edad 23 hanggang 50.


“They were swabbed for testing from January 5 to 18,” ani Sorongon.


Tumama ang Omicron variant sa anim na residente ng Barangay Villamonte at dalawa sa Barangay Estefania.


Ang mga Barangay 40, 7, 35, 19, 20, 30, Alijis, Taculing, Mandalagan, Singcang, Granada, Tangub and Banago ay mayroong tig-iisang kaso, ayon kay Sorongon.


Mayroon ding 21 kaso ng Omicron na na-detect sa Bacolod City noong January 2022.

0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page