top of page
Search
BULGAR

20K Covid cases kada araw, inaasahan sa Abril

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 15, 2021





Nagprotesta ang grupo ng kabataan sa Quezon City ngayong umaga, Marso 15 upang gunitain ang anibersaryo ng lockdown sa bansa at para ipanawagan ang palpak na aksiyon ng pamahalaan kontra COVID-19.


Ayon sa pahayag ni UP Diliman University Student Council (UPD USC) Chairperson Froilan Cariaga, "Yung peak ng COVID cases, hindi 'yan dahil sa pagiging pasaway ng mga Pilipino kung ‘di dahil sa kapalpakan ng rehimeng Duterte. Panawagan natin ang medikal at siyentipikong tugon sa pandemya at hindi ang militaristikong lockdown."


Isang taon na ang nakalipas mula noong ipinatupad ni Pangulong Duterte ang lockdown sa bansa matapos itala ang 140 na kaso ng COVID-19. Sa ilalim ng lockdown ay bawal lumabas sa bahay ang mga residente, habang bantay-sarado naman ng mga pulis at sundalo ang bawat lungsod. Ipinasarado rin ang mga mall, hotel, restaurant, resort, salon, paaralan at iba pang establisimyento. Ipinagbawal din ang mga pampublikong transportasyon at mga paliparan na sobrang nagpabagsak sa ekonomiya.


Sa ngayon ay nakikipaglaban pa rin sa COVID-19 at mga bago nitong variant ang ‘Pinas. Bagaman, mayroon nang bakuna ay patuloy lamang dumarami ang mga nagpopositibo sa virus kung saan pumalo na sa 621,498 ang naitalang kaso.


Giit pa ng OCTA Research, posibleng umabot sa 18,000 hanggang 20,000 ang COVID-19 cases kada araw sa pagdating ng Abril, batay sa 1.9% na reproduction rate. Anila, mapipigilan ito kung ipapatupad ang localized lockdown, uniformed curfew at kapag nasunod ang health protocols, taliwas sa ipinaglalaban ni Cariaga.

Recent Posts

See All

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page