top of page
Search
  • BULGAR

$20B armas, ibebenta ng U.S. sa Israel

ni Eli San Miguel @World News | August 14, 2024



File Photo: F-15E / James A. Finley / AP
File Photo: F-15E / James A. Finley / AP

Inaprubahan ng United States ang $20 bilyong halaga ng mga armas na ibebenta sa Israel, kabilang ang maraming fighter jets at advanced air-to-air missiles, ayon sa anunsiyo ng State Department nitong Martes.


Ipinaalam sa Kongreso ang nalalapit na pagbebenta ng higit sa 50 F-15 fighter jets, AMRAAM missiles, 120 mm tank ammunition, high explosive mortars, at mga tactical vehicles. Hindi makakarating ang mga armas sa Israel sa loob ng ilang taon dahil matagal ang proseso ng mga kontrata.


Nakalaan ang karamihan sa mga kagamitan para palakasin ang militar ng Israel sa mahabang panahon, na inaasahang darating ang unang mga padala sa 2026.


Kailangang ibalanse ng administrasyon ni Biden ang patuloy na suporta nito para sa Israel sa kabila ng tumataas na mga panawagan mula sa mga mambabatas at publiko sa U.S. na limitahan ang tulong militar dahil sa mataas na bilang ng mga nasawing sibilyan sa Gaza.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page