top of page
Search
BULGAR

2032 Olympics sa Tokyo, pinabulaanan ni PM Suga

ni Gerard Peter - @Sports | January 23, 2021




Determinado si Japanese Prime Minister Yoshihide Suga na idaos ang 2021 Tokyo Olympics kahit may mga nagtutulak na kanselahin na ito ng tuluyan dahil sa matinding banta ng novel coronavirus disease (Covid-19) pandemic sa buong mundo.


Muling ipinilit ng 72-anyos na punong ministro ang pagsasagawa ng Summer Olympic Games na nakatakda sa Hulyo 23-Agosto 8, kasunod ng mga balitang ikakansela na ng tuluyan ang prestihiyosong multi-sports dahil sa pandemya.


Lumabas ang isang report mula sa ‘The Times’ ng London mula sa isang source mula sa pamahalaan ng Japan ang nagsabing itinuon na ng mga organizers ang pansin na gawin na lang ang hosting sa 2032.


I am determined to realize a safe and secure Tokyo Games as proof that mankind will have overcome the virus,” paglalahad ni PM Suga nitong Biyernes, na walang malinaw na pagtanggi sa inilabas na report ng naturang pahayagan, kung saan ang tanging tugon na lang ng mga organizers sa naging katanungan ay idaraos nila ito ng “safe and secure” ang palaro. “Prime Minister Suga has expressed his determination to hold the Games, the government is leading a series of coordination meetings for Covid-19 countermeasures and is implementing thorough infection countermeasures in order to be able to hold the Games,” pahayag ng organizers sa isang statement. “All our delivery partners... are fully focused on hosting the Games this summer. We hope that daily life can return to normal as soon as possible, and we will continue to make every effort to prepare for a safe and secure Games,” dagdag sa naturang pahayag.


Ayon umano sa report ng ‘The Times’, sinabi ng Japanese officials na handa na silang pigilan ang pagdaraos ng Summer Games at umaasa na lamang na mapanalunang muli ang isasagawang bidding para sa 2032 Games.


Sinabi sa report na kahit pa man gumastos ng mahigit sa $25 billion para sa world-wide sports event, tila walang magagawa ang organizers kundi ihinto na ito ng tuluyan, na kung saka-sakali, ito ang maging kauna-unahang beses na makakansela ang Olympiad. “No one wants to be the first to say so but the consensus is that it's too difficult,” saad ng source sa London Times. “Personally, I don't think it's going to happen.”

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page