top of page
Search
BULGAR

2030 Asian Games sa Doha, 2034 Asiad sa Saudi Arabia

ni Gerard Peter - @Sports | December 21, 2020




Muling makukuha ng Doha, Qatar ang hosting ng Asian Games sa ikalawang pagkakataon matapos ibigay muli rito ang 2030 edisyon ng Olympic Council of Asia, habang mapupunta naman sa Riyadh, Saudi Arabia sa unang beses na hosting sa 2034 meet na ginanap sa JW Marriott Hotel sa Muscat, Oman.


Nagkakaisang napagbotohan sa isinagawang executive board meeting ng OCA ang hosting ng Asian quadrennial meet sa Doha, na minsan ng naghost ng multi-sport event mula Disyembre 1-15, 2006 na pinagwagiang muli ng bansang China. Naibigay naman sa runner-up winner sa naturang botohan na Riyadh ang 2034 hosting.


I can now announce... that the city who had the highest vote and will host 2030 is Doha,” wika ni OCA president Sheikh Ahmad Al-Fahad Al-Sabah ng Kuwait. “The second hosting city, for 2034, is Riyadh.”


Naganap ang botohan sa gitna ng matagal na alitan sa politika sa pagitan ng Qatar at Saudi Arabia, kung saan isa ang huli sa mga bumoto upang magpataw ng ‘trade and travel’ boycott sa una noong 2017, ngunit may ilang mga indikasyon, kamakailan na maaring maayos na ang gusot sa hindi pagkakaunawaan ng dalawang bansa.


Naabot ng OCA ang kasunduan ng botohan para sa 2030 hosting, subalit napagkasunduan na ibigay sa runner-up na Saudi Arabia ang 2034 hosting upang mangahulugang walang natalo o nanalo sa naturang botohan. “That means no winner, no loser,” wika ni Sheikh Ahmad al-Fahad al-Sabah, na pinasalamatan ang Saudi at Qatari foreign ministers at ang conference host na Oman para ganapin ang kasunduan. “Thank you, Asia, for solidarity and coordination.”


Dumalo sa naturang pagtitipon para sa Pilipinas sina Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino at Samahang Kickboxing ng Pilipinas secretary-general Atty. Wharton Chan para sa 26 na delegadong bumoto sa pamamagitan ng paper ballots, habang 19 ang bumoto sa pamamagitan ng electronic voting system, dahil sa pag-iingat na rin novel coronavirus (Covid-19).


Gaganapin muna ang 2022 Asian Games sa Hangzhou, China simula Setyembre 10-25 na may 40 sports events na paglalabanan, kabilang ang 28 Olympic sports events, habang sunod na ipapasa ito sa Aichi-Nagoya, Japan sa Setyembre 18-Oktubre 3.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page