ni Imee Marcos @Imeesolusyon | Jan. 4, 2025
Hindi pa nagsisimula ang taon, nakakaloka na agad ang mga happenings! Super na-stress tayo sa badyet na ‘yan!
Talagang nagkasingitan na upang mapalabas na mas maraming nakalaan para sa education sector! Puwede ba ‘yun? Gayon pa man, need nating mag-go on mga teh, dahil dasurv natin ng ‘major-major’ change this 2025! Kung may Miss Universe ng survival, crowning moment talaga ‘to ng mga Pinoy! Pak! Kineri natin ang mahal ng luya, bigas, at lahat ng chika ng inflation. Pero wait lang, sis, hindi tayo puwedeng magpapetiks-petiks lang, ‘noh? For 2025, i-full force na ang support para sa farmers at fisherfolk — kasi sila naman talaga ang key para bumaba ang presyo ng bilihin. Eto pa, ha! Kasama dapat sa bonggang New Year’s resolution ang hindi na pag-asa sa mga pa-import-import na ‘yan! Pak ganern! Hindi solution ang pagiging clingy sa ibang bansa.
Push natin ang pagtataguyod ng strong and independent Philippine agriculture! Ano ba, teh, magtiwala tayo sa sariling atin! At ito pa mga mars, please lang matuto na tayo sa mga pagbahang dinanas noong 2024. Super sakit, mga beshie, lalo na para sa farmers na aanihin na lang sana, napinsala pa ng bagyo at pagbaha. Ang dami pang buhay na nawala!
Kaya naman, ang plea natin for 2025: ayusin na ‘yang flood control projects, please lang! Ayaw na nating maulit ang ganitong kalunos-lunos na eksena.
Fast-forward tayo sa election 2025. Mga teh, time to shine dapat ang boto natin! Piliin ang mga kandidato na may receipts ng true public service. Ang boto mo, power move ‘yan — kaya make it count sa NLE 2025!
Let’s manifest a better, more peaceful at bonggang-bonggang 2025!
Dasurv natin ‘yan! CLAIM it! 2025 is for you, beshie!
Comments