ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 11, 2024
![](https://static.wixstatic.com/media/1ae136_e6865a1d401e4418bf2418671fa8d506~mv2.jpg/v1/fill/w_980,h_587,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_avif,quality_auto/1ae136_e6865a1d401e4418bf2418671fa8d506~mv2.jpg)
Magsisimula ang aplikasyon para sa 2024 online Bar examinations sa Lunes, Enero 15, at tatanggap ng aplikasyon ang Supreme Court (SC) hanggang Abril 5.
Sa isang Bar Bulletin, sinabi ng SC—sa pamamagitan ni Associate Justice Mario V. Lopez na nangunguna sa 2024 Bar Examinations Committee—na P12,800 ang exam fee bawat aplikante.
Isasagawa ang 2024 Bar exams ng SC sa Setyembre 8, 11, at 15 pati sa iba't ibang local testing centers sa buong bansa.
Tulad ng sa mga pagsusulit noong 2023, may anim na pangunahing asignatura sa 2024 Bar exams—Political and Public International Law, Commercial and Taxation Laws, Civil Law, Labor Law and Social Legislation, Criminal Law, Remedial Law, at Legal and Judicial Ethics with Practical Exercises.
Comments