top of page
Search
BULGAR

2022 National Budget, dapat ipokus ng gobyerno sa pandemic response

ni Sonny Angara - @Agarang Solusyon | October 09, 2021



Nitong mga huling buwan ng taon, tutok na naman ang dalawang sangay ng Kongreso sa pagdinig sa National Budget para sa 2022. At tayo, bilang chairman ng Senate Committee on Finance ang mangunguna sa pagdinig sa pambansang pondo sa panig ng Mataas na Kapulungan.


Dalawang sunod na taon na ngayon na ang National Budget ay itinututok natin sa COVID response. Sa susunod na taon, sa kabila ng may kaliitang pondo na P5 trilyon, sisiguruhin nating mas prayoridad dito ang pagresolba sa iba’t ibang suliranin dulot ng pandemya.


Nakadidismayang sa sa nakaraang budget briefing ng Development Budget Coordination Committee o DBCC na pinangunahan ng ating komite, napansin ng inyong lingkod, gayundin ang ating mga kasamahan na wala man lang pokus sa COVID-19 ang panukalang National Budget.


Sa isinumiteng proposed budget ng Department of Budget and Management (DBM), nakita natin na walang kaukulang pondo na inilaan para sa contact tracing, walang pondo para sa testing (outside of booster shot), walang pondo para sa testing ng mga batang may gulang na 12 hanggang 17, wala ring pondo para sa contact tracing at wala pa ring pondo para sa Special Risk Allowance o SRA para sa ating health workers.


Nagkaintindihan na tayo, kasama ang Department of Interior and Local Government (DILG) na hangga’t hindi nawawala ang COVID-19, ito pa rin ang dapat pokus ng pondo para sa 2022.


Wala pa rin namang pagbabago ang bagsik ng pandemic. Sa katunayan, mas lumala. Kaya, hindi dapat isantabi ang pagresolba sa pandemya.


Nang dinggin natin sa Senado ang 2022 budget proposal ng DILG, nabatid natin na mas mababa nang halos P1-B ang kanilang pondo sa kasalukuyang alokasyon na umaabot ng P190.3-B kumpara sa P191.38-B 2020 budget nila. Malaking bahagi ng kanilang pondo ay inilalaan ng local governments sa kanilang laban sa COVID-19.


Dahil d’yan, ipinaalala natin sa DILG na nung nakaraang taon, nagawa namang dagdagan ng mga senador ang kanilang pambansang pondo.


At dahil 85 porsiyento ng DILG family budget ay nabubuhos sa personnel services, ikokonsidera natin sa Senado ang pagbili ng mas maraming body cams, police cars, dagdag na fire stations at marami pang iba na malaki ring kapakinabangan sa departamento.

 

May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa  AGARANG SOLUSYON ni Sonny Angara, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa agarangsolusyon.bulgar@gmail.com

0 comments

Recent Posts

See All

Yorumlar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page