top of page
Search
BULGAR

2021 national budget hanggang Disyembre 2022, aarangkada na!

ni Sonny Angara - @Agarang Solusyon | December 11, 2021



Matapos lumusot sa ikalawang pagbasa (second reading) ng Senado ang panukalang pagpapalawig o ekstensiyon sa 2021 budget hanggang sa December 2022, inaasahan natin ang pinal na pagpasa nito sa plenaryo sa susunod na linggo.


Tinutukoy natin dito ang House Bill 10373 na naglalayong amendahan ang Sec. 62 ng general provisions ng RA 11518 o ang General Appropriations Bill na naglalaman ng 2021 national budget.


Isinulong natin ito dahil sa totoo lang, nitong nakalipas na dalawang taon, naging napakahirap para sa gobyerno ang pagkilos dahil sa pandemya. Maraming proyekto at programa ang naapektuhan dahil sa iregular na pagbubukas ng mga tanggapan ng mga ahensiya. Dahil dito, minabuti natin ang pagpapatupad ng FLR o for later release.


Dahil kung noon ngang wala pang pandemya, hirap na tayong mag-comply sa cash-based budgeting, paano pa ngayong nasa krisis tayo?


Bagaman may mga hindi pabor sa panibagong ekstensiyon ng budget, umaasa tayong itong 2021 budget na ang huling magpapatupad ng extension validity. Sa 2022 national budget, naglagay tayo ng isang seksiyon na tumutugon sa mabagal na paggamit ng pondo ng mga ahensiya ng gobyerno.


Base sa Sec. 61 ng general provisions ng panukalang P5.024 trilyong pondo para sa 2022 (na patuloy pa ring tinatalakay ng bicameral conference committee), magkakaroon ito ng hybrid system na magdaragdag ng ekstrang dalawang taon para sa obligation and disbursement.


Layunin natin d’yan na maalis na ang budget extensions.


***


Bago natin makalimutan, nais muna nating ipaabot ang pagbati sa ating kaibigang si G.


Al Panlilio na muling nahalal bilang pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.


Magandang pangyayari ito para sa SBP dahil naghahanda na tayo sa ating pagho-host sa FIBA World Cup sa 2023.


Ang inyo namang lingkod at si Cong. Robbie Puno ay nananatili pa ring chairman at vice chairman, ayon sa pagkakasunod, at si G. Manny V. Pangilinan bilang chairman emeritus ng Board of Trustees.


Binabati rin natin si G. Ricky Vargas na nahalal naman bilang PBA Chairman.


Umaasa tayo na sa kabila ng pananatili ng pandemya, mas mapalalakas natin ang ating hanay na isasabak sa FIBA World Cup 2023.


 

May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa  AGARANG SOLUSYON ni Sonny Angara, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa agarangsolusyon.bulgar@gmail.com

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page